Thursday, April 3, 2008

this is how tibak* i was before

*tibak = aktib. (noun) pertaining to a socio-political activist

a poem i made years ago, which was published in our school's literary folio. i wonder what happened to the girl who wrote this? because somehow, somewhere, i was swallowed by conformity.

Idealistic raw ako

maghirap man ako sa kakatayo
magkakalyo man ang mga paa ko
mangitim man ako mula sa sikat ng araw
mabingi man mula sa mga bulyaw

magtitiis ako…

umuwi man akong basag ang ulo
huwag kumain ng isang linggo
matulog man ako sa bilangguan
o tumira sa lansangan kung kinakailangan

magtitiis ako…

pagpatawanan man ng karamihan
at mabansagang kaaway ng bayan
mamalat mula sa kasisigaw
manghina sa sinag ng araw

magtitiis ako…

kung buhay man ang kapalit
o sa bilangguan ay mapiit
lahat ito’y titiisin ko
sa ngalan ng pagbabago


Add this blog to your feeds.

2 comments:

may said...

to some of us, it is just a phase. don't beat yourself up, being swallowed by conformity isn't always a bad thing.

{illyria} said...

i like may's comment. and i agree that you need certain perspective in your life. you can't spend your whole life going against the tide, you'll drop dead from exhaustion before you can manage to make a difference. but you can choose the waters you swim in. i believe in you.